LYRICFLUENT

Kasalukuyan Lyrics by Siakol Siakol

Below, you will find the lyrics for Kasalukuyan by Siakol.
Tsismis ni kumare talo pa ang sine
Merong number two raw itong si kumpare
May pakpak ang balita may tenga ang dingding
Wala pang sikretong di makakarating
Puro pangako laging napapako
Wala namang nangyari ngayong nakaupo
Sa pulitika puro pambobola ang ating pag-asa
Hindi tuloy makuha
Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan
Ang mga buwaya nagkalat sa kalsada
Mga walang patawad basta't tungkol sa pera
Wala ng lisensya ka pang ibibigay
Absuelto ka na basta't may lagay
Kay raming manananggal gabi lumalabas
Sila'y naglilipana manananggal ng lakas
Sinong susunod tayo'y mauubos
Sigaw ng mga tao ipako sa krus
Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan
Nagising sa ingay away ng kapitbahay
Kahit matagal na hindi pa rin masanay
Maliit na bagay ay pinalalaki ngayo'y nagsisisi
Kung kelan pa huli
Ito'y kasalukuyan hindi kinabukasan
Kung 'di na uulitin lahat ng kamalian
Tayo ay magsama wag nang bibitiw pa
At baka maiwan kang nakatanga
Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
Did you like these lyrics?
LEARN SPANISH WITH MUSIC
Learn French with music with 1991 lyric translations from various artists including Siakol
Get our free guide to learn French with music!
Join 51553 learners. Unsubscribe any time.
Google
Learn French with lessons based on similar songs!
Get it on Google Play
Download on the App Store
Apple and App Store are trademarks of Apple Inc.
Google Play and the Google Play logo are trademarks of Google LLC.